Ang Karapatang Pantao ay ang Solusyon sa Isyu ng Kasalukuyan

Rg Keichiru Pineda
3 min readJun 14, 2021

--

Madaming isyu at mga suliranin ang hinaharap ngayon ng Pilipinas. Madami tayong puwedeng maging solusyon, ngunit ano nga ba ang pinaka-maganda? Para sa akin, ang pinaka magandang solusyon, ay ang solusyon na nakabatay sa karapatang pantao bakit? Ito ang mga rason.

1. Lahat ng tao ay nakapaloob dito

Ang karapatang pantao ay para sa lahat ng tao, kaya dito natin kailangan ibatay ang solusyon ng problema ng lipunan, dahil ang problema ng lipunan ay problema ng buong mamamayan.

2. Ito ay Pandaigdig

Ang karapatang pantao ay pandaigdig, kaya kung dito tayo magbabase ng solusyon, makakakuha tayo ng respeto ng ibang bansa, makikilala tayo at baka bigyan pa nila tayo ng suporta upang malutas itong problema.

3. Pagkapantay-pantay

Ang karapatang pantao ay para sa lahat, kaya kinakailangan nitong tumingin sa lahat ng tao bilang pantay, mahirap man o mayaman. Dahil laganap ang koruptsyon, kinakailangan walang makakatakas sa solusyon, Presidente man ang taong iyon, kailangan niyang managot.

4. Karapatang Mag-aral

Kung madami ang makakapag-aral at makakapagtapos, madami din ang makakaalam kung paano gumawa ng magandang desisyon, kaya makakapili sila ng magandang Presidente na kaya talagang baguhin ang Pilipinas, dahil hindi sila mabubulag ng pera at sayaw.

5. Kasaysayan

Madaming isyu ang nalutas dahil sa karapatan ng tao. Dahil sa karapatang pantao, lumaya ang Amerika sa kamay ng Europa, lumaya ang mga afrikano, nagkaroon ng karaptang magtrabaho ang mga babae, nagkaroon ng karapatan ang mga “black people” at madami pa.

Ito ay 5 lamang mula sa madaming rason kung bakit mahalaga ang karapatang pantao, at sigurado ako na madami pang mas magagandang rason, ngunit ito lamang ang aking naiisip. Iyon lamang, salamat sa inyong oras upang basahin ito.

--

--

No responses yet